Saturday, August 2, 2014
Published article in Maryknoll Global Concerns: Newsnotes
http://maryknollogc.org/article/philippines-building-resilient-communities
Labels:
climate change,
disaster risk reduction,
Philippines
Published article in Maryknoll Newsnotes
http://maryknollogc.org/article/philippines-climate-crisis
Labels:
climate change,
climate crisis,
Haiyan,
Philippines
Wednesday, March 5, 2014
Ang Aral Mula Sa Mga Alitaptap
Katatapos lang naming maghapunan ng dalag na sinabawan at hinaluan ng paasim na 'alas-dose'. May terno ring 'papaitan at saluyot', binanlian ng tubig, ni walang asin. Binili ko ang 'dalag' nang may maglako. Bakit nga ba hindi--- ito ang aking huling gabi, isang pasasalamat. Isang malaki at maliit na dalag. Ang malaki ay niluto ni Ka Letty, at ang maliit ay ipinahatid sa Bapang Arce, ang matandang mag-asawa na nag-anyaya sa akin matulog sa kanila ng tatlong gabi. Pantawid-ulam, wala kasi silang makain araw-araw. Malimit nagtitiis na lang sa gutom.
Pagkakain, naisipan kong umupo sa giray na upuang yari sa kawayan doon sa labas, sa gawing kanan ng bintana. Madilim, maingay ang lamok na parang nang-iinis sa tabi ng aking tenga. Napatingala ako at nakita ang pagkaganda-gandang langit -- tila ba binudburan ng iba't-ibang laki ng mga bituin. Kung puwede lang tumingala magdamag. Maya-maya, nagdatingan ang mga alitaptap sa mga puno. Langkay-langkay sila at nagmistulang 'christmas tree' na nangniningas ang mga puno.
Tahimik lang ako, maliban sa nangingiti tuwing tatawagin ni Ka Letty paminsan-minsan, para bang ina na hinahanap kung nasaan ang mahal na anak. Ang iba pang sinasabi niya ay hindi ko maintindihan, Sambal kasi. Lumipas ang mga oras nang hindi ko namalayan dahil sa buong layang pangtunganga ko sa langit at mga alitaptap. Nasabi ko tuloy sa sarili, "may mabuting aral ang mga alitaptap. Sa gitna ng pusikit na dilim, may dala-dala silang mumunting liwanag. Kapag nagsama-sama sila, nagiging maliwanag at kasiya-siya sa paningin. Kung ang mga tao sana'y ganito, magdadala ng liwanag ang bawat isa kabila ng kadiliman, ng paghihirap, sana'y magiging maliwanag din, magkakaroon ng pag-asa. Maliliit na kutitap sa dilim subalit pag natipon ito'y naghahatid ng liwanag. Tao...pamarisan sana natin ang mga alitaptap."
From A Mission Journal, 16 June 1995 with the Aetas (Indigenous Filipinos in Northern Philippines)
Bahay ni Ka June at Ka Letty dela Cruz in Itanglew, Botolan, Zambales.
Thursday, February 27, 2014
Brief Encounters in Panama
Visiting Panama for the first time fascinated me
so much. The more than two hours traffic
jam from the downtown bus station to Las Mananitas gave me a slow
introduction of Panama City. From
passing the poorer sections where tenements and many older buildings provided a kaleidoscope
of different beauty, to the towering high-rises and landscaped private villas
gave such a power and status contrast in a small nation. My thoughts were interrupted with the warm hugs of Sisters Jane Zawadzki and Laura Guladew to welcome me.
| Srs. Laura and Jane, Panama Canal |
| Sr. Marvie and new friends in Tamarindo |
| Sr. Melinda Roper leading the Celebration of the Word |
| Map location of Sta. Fe, Darien, Panama |
Subscribe to:
Posts (Atom)